US Navy destroyer nasa bansa para sa APEC summit

Nasa bansa ngayon ang USS Fitzgerald upang paigtingin ang seguridad ngayong Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) week mula Nobyembre 17 hanggang 20.  US Navy/Patrick Dionne/Released

MANILA, Philippines — Upang paigtingin ang seguridad sa bansa, dumaong na sa Maynila kagabi ang United States Navy destroyer para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Dumating ang Arleigh Burke-class USS Fitzgerald sa Manila Bay isang araw bago ang inaasahang pagdating ni US President Barack Obama.

Kabilang ang pagdaong sa Pilipinas ng USS Fitzgerald sa kanilang limang-araw na routine patrol.

BASAHIN: Kumakalat na ‘scare message’ sa pag-atake ng mga terorista ‘wag paniwalaan – PNP

Bago dumating sa bansa ay dumaan ang US Navy destroyer sa South China Sea, ang teritoryong pinag-aagawan ng Pilipinas at China.

"Fitzgerald's presence in the South China Sea reinforces the United States' commitment to peace and regional stability to our partners and allies in the Indo-Asia-Pacific," pahayag ni Cmdr. Christopher England.

Tiniyak naman ng mga awtoridad kahapon na walang banta sa seguridad ng bansa sa kabila ng pag-atake ng mga terorista sa Paris na ikinasawi ng 129 katao.

BASAHIN: PNP sa publiko ngayong APEC summit: Sa bahay na lang kayo

Inamin ng gobyerno na ang pagtitiyak sa seguridad ng bansa at ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa ang pinakamalaking hamon sa kanila.

Show comments