MANILA, Philippines - Hindi bibigay si House Speaker Feliciano Belmonte sa demand ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibalik ang 28 probisyon na inalis ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro sa Basic Law for the Bangsamoro Autonomous (BLBAR).
Sinabi ni Belmonte na mabigat at metikuloso ang naging trabaho ng Kamara sa BBL para mailapat ang mga amyenda sa panukala upang masiguro na susunod sa Konstitusyon ang lahat ng probisyon.
Naniniwala rin ito na kung maaaprubahan ang kanilang bersyon ng BLBAR ay malapit na ito sa bersyon ng Senado kaya hindi mahihirapang tuluyang magpagtibay ito.
Nakiusap naman si Speaker sa mga nakalistang interpellators sa BLBAR na tiyaking present sa plenaryo para matuloy ang kanilang oras ng debate sa panukala.
Sakaling wala umano ang mga ito ay kakailanganin nang ibigay ang kanilang slot sa ibang interpellators para hindi maantala ang proseso sa BLBAR.