Bibisitahing kapatid ni Arroyo pumanaw na

MANILA, Philippines — Pumanaw na ang kapatid ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo na si Arturo “Art” dela Rosa Macapagal ngayong Martes, ilang oras bago ang nakatakda niyang pagbisita.

Ganap na 6:40 ng umaga binawian ng buhay si Macapagal matapos ang higit isang buwang pamamalagi sa Makati Medical Center.

Tinamaan ng stage 4 prostate cancer ang 72-anyos na kapatid ni Arroyo.

Nakatakda sanang bumisita ang dating pangulo mamayang alas-3 ng hapon matapos payagan ng Sandiganbayan.

Naka-hospital arrest si Arroyo para sa kasong plunder.

 

Show comments