Government hospitals, airports, LRT, MRT lagyan ng libreng Wifi - Recto

MANILA, Philippines - Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bigyang prayoridad ng libreng Wifi  ng Department of Science and Technology(DOST) ang mga public hospitals, paliparan at mga mass transit system sa bansa.

Ang kahilingan ay ginawa ni Recto matapos na mag­lunsad ang DOST noong nakaraang linggo ng libreng Wifi sa may anim na ospital sa Metro Manila.

Sa orihinal na plano, libre ang mga Wifi sa ilang airports, hospitals, public schools, plazas, seaports, government offices at iba pang lugar pampubliko.

Sinabi pa nito na mahalagang magkaroon ng mga libreng Wifi  sa mga pampublikong ospital at ng sa ganoon ay mapakinabangan ito ng mga pasyente. Mayroong P1.4 billion pondo ang programa na isinulong ni Recto sa Senado.

“If you’re a son of an OFW and you would like to get in touch with your father because your mom has been stricken ill, then you can do it within the hospital premises,”  ayon pa  kay Recto.? Aniya, ganito din ang sitwasyon sakaling magkaroon ng problema  sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Libre na ang Wifi sa Quezon City Memorial Circle, Quezon City Hall, Philcoa, Social Security System, LTO sa  Quezon City at Rizal Park sa Manila.

Show comments