MANILA, Philippines - Ngayong Semana Santa sinimulan kahapon ng Eastern Police District (EPD) ang kanilang bagong programa na ‘Oplan Bisita Bisikleta’ sa iba’t ibang simbahan sa kanilang nasasakupan partikular sa Marikina, San Juan, Mandaluyong at Pasig City.? Ayon kay P03 Catherine Capinpin, media relations officer ng EPD, sakay ?ng kani-kanilang mga bisikleta, sama-samang magsasagawa ng “Oplan Bisita Bisikleta” ang mga cyclists na mga residente at mga Catholic devotees.? Wala anya itong ipinagkaiba sa old tradition na “Visita Iglesia” na ang mga Katoliko ay bumibisita sa may 14 na simbahan at nagdarasal. ?Kabilang sa mga simbahan na pupuntahan ang Camp Crame chapel, Mary the Queen, Greenhills Chapel, Sanctuario Del Sto. Cristo Church, St.John de Baptist, Brgy.West Crame Chapel, Little Baguio Chapel, Brgy.San Perfecto Chapel at iba pa. (Mer Layson)