Pemberton kinunan ng DNA sample

MANILA, Philippines - Kinunan na kahapon ng deoxyribonucleic acid (DNA) sample si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, suspek sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City.

Alas-2 ng hapon nang magtungo ang grupo ng PNP Crime Laboratory sa pangunguna ni Chief Supt Teresita Ann Cid, na sinaksihan naman ni Olongapo City Prosecutor Emily Fe delos Santos.

Tumagal ng hanggang 3:06 ng hapon ang pagkuha ng swab sample ayon kay AFP spokesman Lt. Col. Harold Cabunoc.

“The swab taking was done inside the container van (where Pemberton is detained),” pahayag ni Cabunoc sa press briefing.

Ang swab sample ay gagamitin sa DNA testing sa nakuhang mga ebidensya sa crime scene.

 

Show comments