MANILA, Philippines - Pinasususpinde ng Bureau of Immigration (BI) sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lisensiya ng 13 recruitment agency na sangkot umano sa human trafficking.
Kabilang dito ang Trustworthy International Manpower Corporation, Experts Placement Agency, Inc., Chosen Divine Mercy Manpower Services Corp., Dobim International Manpower Services, Zareiko Productions Inc., Ridzkey Human Resources International Services, Dolma International Placement Corp., Inter-Globe Manpower and Consultancy Services Inc., Caz International Inc., Dream Fame International Manpower Corp., Tibiao Antique Manpower Agency Your Overseas, Neostar International Manpower Services at SMK International Agency Inc.
Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, nakahuli ang kanilang travel control enforcement unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport ng 47 pinaniniwalaang overseas Filipino workers na gumagamit ng pekeng dokumento.
Lumilitaw sa kaniÂlang imbestigasyon na patungo sa United Arab Emirates (UAE) ang mga ito subalit magtutungo ang mga ito sa Lebanon at Jordan bilang domestic helpers.
Una nang sinuspinde ng POEA ang Nahed International Manpower Services dahil sa trafficking at illegal deployment ng mga Pinoy sa Jordan gamit ang UAE bilang transit point.
Tila wala umano itong epekto sa mga nasabing recruitmet agency at sa halip ay patuloy pa rin sa kanilang illegal recruitment.
Batay sa batas, sinuÂmang mapapatunayan na nagkasala ng illegal recruitment ay maaring makulong at pagmumultahin ng P200,000 hanggang P500,000.