MANILA, Philippines - Walang “shoot to kill†order si Pangulong Aquino laban kay MNLF founding chairman Nur Misuari na napaulat na patakas na papuntang Malaysia,
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang shoot on site order ang Pangulo kay Misuari pero bantay-sarado ng mga awtoridad ang karagatan sa Mindanao sa posibleng pag-eskapo ni Misuari gamit ang exit route sa Sulu patungong Malaysia.
Ayon pa kay Valte, hindi hihingin ng PaÂngulo ang tulong ng Malaysian government para mabilis na matunton si Misuari sakaling nakatakas nga ito.
Mananatili anyang internal pa rin ang pagresolba ng gobyerno sa naganap na paglusob ng MNLF-Misuari faction sa Zamboanga City.
Si Misuari ang itinuturong utak ng pagsaÂlakay ng 5 MNLF commander sa pamumuno ni Habier Malik sa anim na barangay sa Zamboanga City noong SetÂyembre 9. Natapos ang krisis noong Setyembre 20 o halos tatlong linggo.
Sa naturang bakbakan, 24 ang nasawing security forces habang 194 ang nasugatan, 12 ang patay sa sibilyan at 54 ang sugatan. Nasa 192 MNLF fighters naman ang napaslang at 254 ang sumuko at naaresto.