MANILA, Philippines - Inihain na ni Senator Aquilino “Koko†Pimentel III ang isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ng kinauukulang komite sa Senado ang stem cell procedure sa Pilipinas.
Naniniwala si Pimentel na dapat magkaroon ng regulasyon tungkol sa stem cell procedure bilang proteksiyon sa mga mamamayan na nais sumailalim sa procedure.
Inihain ni Pimentel ang resolusyon sa gitna na rin ng tumataas na bilang ng mga taong nagrereklamo tungkol sa stem cell procedure na ginagawa sa bansa.
Napaulat na ginagawa ang stem cell procedures ng mga hindi accredited na banyagang doctors sa mga five-star hotels.
Sinabi ni Pimentel na ang mga hindi kontroladong practices ay maglalagay sa panganib at kalusugan ng mga kliyente.
Ipinunto pa ni Pimentel na obligasyon ng Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan.