Libreng gun seminar sa kababaihan, ilulunsad

MANILA, Philippines - Dahil sa dumaraming bilang ng kababaihan na nahihilig sa practical shooting, magbibigay ng libreng seminar sa gun safety and handling ang mga gun safety advocate na espesyal na dinisenyo sa mga lady shooter sa gaganaping 21st Defense & Sporting Arms Show (DSAS) sa Hulyo 18-22, 2013 sa Megatrade Hall 1, 2 at 3,  sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Magbibigay ng libreng seminar ang mga eksperto sa baril mula sa 5 Zero, Center for Pro-Shooters Association of the Philippines, na may titulong: Armed Women for Self Defense,” sa Hulyo 18, dakong 6:30 ng gabi.

Pangungunahan ni Ted Esguerra ang seminar sa “Learning from Boston Marathon & Connecticut Shoo­ting” sa Hulyo 22, dakong 2:30 ng hapon, na tututok sa pangangalaga ng seguridad sa tahanan at personal na proteksiyon.

Ang tema ngayon 2013 ng DSAS event ay “Bringing Pride to the Philippines: 2013 Australasia IPSC Handgun Champions” kung saan bibigyan ng parangal ang mga top gun ng bansa na pinangungunahan ni world shooting icon Jethro Dionisio, na siya ring pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers at event organizer ng DSAS.

Kabilang sa mga libreng seminar sa pinaka-matagal nang gun show sa bansa ay ang “Gun Safety and Res­ponsible Gun Ownership” ni Eustacio “Jun” Sinco – isang accredited instructor ng PNP Firearms and Explosives Office, “The Future of Sport Shooting” ni Rosey Labayog – Steel Challenge Shooting Association, at panel discussion sa bagong batas sa baril, na nilagdaan ni Pangulong Aquino kamakailan, na pangungunahan ng A2S5 Coalition.

Show comments