MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng DeÂpartment of Health (DOH) ang publiko na painiksyunan ng kontra rabies ang mga alagang hayop dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nakakagat.
Sa datos ng DOH noÂong 2012, umabot sa 219 sa mahigit 200,000 animal bites ang namatay.
Mas marami rin ang nakakagat ng aso tuwing summer dahil sa pagiging iritable ng mga aso dulot ng maalinsangang panahon.
Ayon kay Dr. Ferdie de Guzman, ng family comÂmunity health ng San Lazaro Hospital, mas mapanganib ang “provoke†o panunudyo sa naturang hayop dahil may beha vioral changes ang mga hayop na posibleng nagtataglay na sila ng rabies.
Sa oras umaÂnong magpakita ng sintomas ang isang nakagat na takot sa tubig, indikasyon umano ito na posible itong mamatay.
Ang Misamis Oriental ang may pinakamataas na kaso ng rabies sa bansa.
Sinabi naman ni DOH spokesman Dr. Eric TaÂyag, hindi kailangang paÂtayin ang mga alagang aso kundi dapat na pabakunahan lamang. Ang 5-in-1 na turok sa alaÂgang haÂyop ay nagkakahalaga laÂmang ng P250.
Taun-taon ay nagbiÂbigay din ang gobyerno ng libreng turok kontra rabies sa bawat barangay tuwing summer.
Itinuturing naman ng World Health Organization na isang major public health problem ang kagat ng hayop.