May-ari ng PUVs na may political ads ikakalaboso

MANILA, Philippines - Hindi rin palalagpasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga advertisement ng mga kandidato sa mga pampublikong sasakyan sa sandaling magsimula ang  kampanya.

Ayon kay Comelec spokesman James Jime­nez, kukumpiskahin ang mga public utility vehicle (PUV) at ikukulong ang mga may-ari nito kung pa­tuloy na nakalagay sa mga pampublikong sa­sakyan ang mga adverstisement o panga­ngampanya ng  mga kandidato.

Aniya dapat na isipin ng mga may-ari ng mga pampublikong sasakyan ang kanilang responsi­bi­lidad at hindi ang ka­nilang kikitain sa advertisement.

Sinabi ni Jimenez na batay sa campaign rules ipinagbabawal ang political advertising sa anumang mga PUVs.

Sakaling may tututol, maaari naman iakyat ang kanilang reklamo sa Korte Suprema.

Dahil dito, nanawagan din si Jimenez sa publiko na agad na ireklamo o ita­wag sa kanila kung may mga bus o jeep na may political ads ng mga kandidato.

Show comments