MANILA, Philippines - Ibinunyag na kahapon ni Senator Panfilo “Ping†Lacson na si Senator Miriam Defensor-Santiago ang mambabatas na gumagamit ng pondo ng Senado sa kanyang personal na pangangailangan katulad ng pambili ng groceries at pambayad sa kanyang satellite office na mismong pag-aari niya.
Sinabi ni Lacson na umaasa siyang magiging mabuti na ang kalusugan ni Santiago na nagpadala kahapon ng sulat sa Senado para ipaalam na siya ay naka-sick leave dahil sa hypertension at chronic bone marrow disorder.
Inihayag ni Lacson na balak niyang sampahan ng reklamo si Santiago pero hindi niya ito gagawin habang maysakit ang senadora.
“Maysakit eh. Ang wish ko lang sana get well soon para I can already press charges against her. Kasi pangit ang maysakit, walang laban. At sabi ng doktor tama o hindi, precarious. Ayaw natin mag-contribute sa makalala ang kanyang karamdaman,†sabi ni Lacson.