Pinoy ang driver ng sumabog na tanker sa Riyadh

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Saudi authorities na isang Pinoy ang nagmamaneho ng mismong fuel tanker na sumabog sanhi ng pagkasawi ng 22 katao kabilang ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) at pagkasugat ng 135  iba pa sa Riyadh, Saudi Arabia noong Huwebes.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Asec. Raul Hernandez, ang kumpirmasyon ay ipinabatid ng Saudi-Criminal Investigation Office (CIO) sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh.

Una nang kinilala ng grupong Kapatiran sa Gitnang Silangan (KGS)-Migrante Riyadh sa pamamagitan ng mga kapwa OFWs sa Riyadh ang pangalan ng nasabing truck driver na si Robin Kebeng,  39.

Sinabi ni Hernandez, hawak na ng Saudi CIO si Kebeng matapos ang naganap na pagsabog ng umano’y minamaneho nitong fuel truck at sumasailalim sa imbestigasyon.

Show comments