2 Tsinoy, 2 pa nahulihan ng P250-M shabu sa QC

MANILA, Philippines – Aabot sa P250-milyong halaga ng shabu ang nakumpika mula sa apat na suspek, kabilang ang dalawang Tsinoy, sa operasyong isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes.

Arestado sa mga tauhan ng QCPD Anti-Drugs Unit ang mga suspek na sina Mark Hwe at Onorato Contigo, kapwa Tsinoy at mga kasamang James Rosales at Crisologo Fuzon.

Aabot sa 45 hanggang 50 kilo ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Manresa sa lungsod ng Quezon.

Dalawang buwan ding minanmanan ng mga pulis ang apat na suspek bago isinagawa ang operasyon.

Show comments