MANILA, Philippines – Nasakote na ang lima sa 12 pinagsususpetsahang kilabot na tulak ng droga sa Ilocos Region, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency's (PDEA) ngayong Biyernes.
Ito ang inihayag ni Bismark Bengwayan, tagapagsalita ng PDEA Region 1, matapos maaresto si Nestor Costales, 58, sa Sta. Maria public market sa Maynganay.
Ani Bengwayan, panglima na si Costales sa mga nakalistang kilabot na droga sa rehiyon na naaaresto ng PDEA ngayong taon.
Naaresto si Costales sa isang buy-bust operation na isinagawa ng ahensya kamakailan lamang.
Aabot sa P6,000 ang halaga ng shabu ang nasamsam mula kay Costales na kabilang sa “priority target list†ng PDEA.
Kumpiyansa si Bengwayan na maaaresto ng PDEA Region 1 ang pito pang nalalabi sa kanilang listahan bago matapos ang taong ito.
Nahaharap si Costales sa kasong paglabag sa sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.