1. Kung mawala ka bukas, 95 percent ng mga tao sa paligid mo ay hindi ito mapapansin.
2. Sa buhay, hindi pagsisikap ang tinitingnan ng tao, kundi ang resulta.
3. Kung palagi kang kasama ng limang batugan, malamang na ikaw ang magiging pang-anim.
4. Hindi lahat ng taong tinutulungan mo ay tutulong sa iyo kapag ikaw naman ang nangangailangan.
5. May mga taong maaalala ka lang kapag may kailangan sila sa iyo.
6. Kahit gaano ka kabuti, may mga taong gagawa pa rin ng masama tungkol sa iyo.
7. Hindi lahat ng kaibigan mo ay masaya sa tagumpay mo. May ilan na nakangiti lang dahil ayaw nilang mahalata ang inggit.
8. Kapag wala ka nang pakinabang sa isang tao, malalaman mong hindi pala ganoon katibay ang inyong relasyon.
9. Minsan, ang taong pinaka-pinagkakatiwalaan mo ang siya ring unang makakasakit sa iyo.
10. Hindi sapat ang sipag kung mali ang direksiyon na tinatahak mo.
11. Hindi lahat ng ina ay dakila, mayroon din maldita na iisipin mong sana ay iba na lang ang inang ini-assign ng Diyos sa iyo.
12. May mga taong mas gusto kang manatiling mahina dahil natatakot silang malampasan mo sila.
13. Habang tumatanda ka, lumiliit ang “circle” ng mga taong tunay mong mapagkakatiwalaan.
14. Hindi lahat ng humihingi ng tawad ay nagsisisi. May iba na ayaw lang nilang mawalan ng access sa iyo.
15. Kapag palagi mong pinapatawad ang isang tao, maaaring isipin niyang wala siyang dahilan para magbago. (Itutuloy)