1. Mabilis antukin kung favourite songs ang patutugtugin mo. Magiging maganda rin ang mood pagkagising sa umaga.
2. Ingredients na puwedeng ihalili sa pagluluto ng cookies para mas healthy ito: sa halip na 1 cup butter, ang gamitin ay isang cup avocado or 1 cup Greek yogurt.
3. Nagpuputok ang iyong lips? Ibabad sa warm water ang green tea bag ng ilang minuto. Ipatong ang tea bag sa lips ng 5 minutes. Problem solved!
4. Kapag magluluto ng hard boiled eggs: Lagyan ng isang slice na lemon ang pakukuluang tubig. Kusang matatanggal ang shell ng itlog kapag luto na ito.
5. Kung may ginagawa kang importante at ayaw mong abalahin ka: Magsuot ng headphone at magkunwaring may pinakikinggan.
6. Mas attractive sa mata ng mga babae ang lalaking naka-red shirt.
7. Para maibalik sa dating size ang umurong na shirt: Ibabad ang shirt sa pinaghalong ice tubig at 1 cup hair conditioner.
8. Nasulatan ang iyong skin ng permanent marker: Paano ito matatanggal? Sulatan ng highlighter ang ibabaw ng nagmantsang permanent marker. Kuskusin ng cotton cloth. Mabilis na itong matatanggal.
9. Kung nagising kang masakit ang lalamunan: Uminom ng pinaghalong 1 cup water; 2 kutsarang honey; 2 kutsarang suka; 2 kutsarang lemon juice; isang kurot na cinnamon powder. Haluing mabuti at inumin.
10. Kung gagamitin uli ang mantika sa ikalawang beses: Iprito ang isang slice na ginger o isang pirasong balat ng saging na saba. Nakakatanggal ito ng lansa o anumang flavour ng pagkaing naunang iprito dito.