Lalaki na mabilis gumawa ng eroplanong papel, nakatanggap ng Guinness Record!

ISANG Guinness World Record breaker ang muling nagpakitang-gilas matapos talunin ang sarili niyang record sa titulong “fastest time to fold and throw a paper airplane”.

Sa loob lang ng 5.12 seconds, nagawang tupiin at ihagis ni David Rush ang kanyang eroplanong papel kung saan nahigitan niya ang dati niyang 6.15 second record.

Ginawa niya ang bagong milestone sa mismong headquarters ng Guinness World Records sa London.

Bagama’t malayo sa pagiging perpekto ang kanyang papel na eroplano, ang mahalaga ay bilis at diskarte na naging dahilan para mahigitan ang previous record.

Ngayon, ang rekord-breaking na eroplano niya ay naka-display na sa opisyal na cabinet ng Guinness sa London.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong karangalan, dahil siya ang may pinakamaraming kasalukuyang Guinness World Records titles.

Show comments