Kung ang ibang tao ay pumapayag lang na gamitin sa eksperimento ang kanilang katawan kapag pumanaw na, ang isang doktor ay ginamit ang kanyang sariling katawan habang buhay pa, sa kanyang sariling eksperimento, sa ngalan ng pag-unlad ng medisina. At ito ay isang kakaibang klase ng katapangan at kabayanihan.
Noong unang bahagi ng 1900, sa tulong ng kaibigang doctor, inoperahan ng British neurologist na si Sir Henry Head, ang kanyang braso at pinutol ang kanyang lateral cutaneous nerves. Tungkol sa nervous system ang kanyang pinag-aaralan.
Gusto niyang malaman kung may pag-asa pang maibalik ang pakiramdam ng kanyang braso pagkatapos maghilom ang sugat? Tutubo bang muli ang tissue ng cutaneous nerves na naputol?
Matapos maghilom ang sugat ni Sir Henry Head, bumalik ang pakiramdam ng inoperahan niyang braso.
Nagbigay sa kanya ng inspirasyon ang naunang experiment kaya’t nagsagawa muli siya ikalawang pag-aaral gamit ulit ang kanyang katawan. Sa pagkakataong ito, ang sarili niyang penis ang gagamitin sa experiment.
Buong tapang niyang isinawsaw sa kumukulong tubig ang dulo ng kanyang penis! Tungkol pa rin sa nerves ang kanyang pinag-aaralan dito.
Napatunayan niya na walang pakiramdam sa “init” ang dulo ng penis pero very sensitive sa “pain” and “cold”.
Nagkaroon siya ng librong pinamagatang “A Human Experiment in Nerve Division”.
Bunga nito, tumanggap ng maraming parangal si Sir Henry Head dahil sa kanyang dedikasyon sa pagpapaunlad ng medisina. Siya ay English neurologist na nabuhay mula 1861 hanggang 1940.