SA Gujarat, India, binuksan ang Surat Diamond Bourse, ang bagong pinakamalaking gusali sa mundo, na may lawak na 66,78,624 square feet. Mas malaki ito ng 55,000 square feet kumpara sa Pentagon na 80 years na may hawak ng record bilang pinakamalaking gusali.
Ang 15-palapag na building complex, ay binubuo ng siyam na hugis-parihabang gusali na konektado ng isang central corridor. Sa halagang 32 billion rupees ($388 milyon), idinisenyo ito upang pagsama-samahin ang mga artisan at negosyante ng diamonds. Mayroon ditong 4,700 opisina, 131 smart elevators, at sapat na espasyo para sa 65,000 tao.
Ayon sa Morphogenesis, ang architecture firm na lumikha ng disenyo, ang pangunahing layunin ng proyekto ay maging eco-friendly at sustainable, at hindi planong talunin ang Pentagon.
Kahawig ng isang airport terminal ang disenyo nito, kaya sa kabila ng lawak at laki nito, mabilis ang paggalaw dito na inaabot lamang ng anim na minuto ang pagpunta sa itaas ng alinmang gusali gamit ang smart elevator system.
Ang Surat Diamond Bourse ay hindi lamang gusali kundi simbolo ng tagumpay ng diamond industry ng India.