Maid of Honor (252)

“E kung dito ka na tumira Mommy. Palagay ko nga ay hiyang na hiyang ang katawan mo rito,” sabi ni Yana kay Mommy Celia.

“’Yan ang iniisip ko, Yana. Meron kayang mabibilhan ng property na katulad nito—malapit sa dagat?’’

“Itanong ko po kay Inah. Tiyak na meron siyang alam.’’

“Kahit magkano. Basta ang gusto ko malapit sa dagat na puwede tayong mamasyal sa umaga at sa hapon.’’

“Sige po Mommy at sasabihin ko kay Inah.’’

“Mas maganda kung katabi ng beach na ito para hindi na tayo lalayo pa. Tatawid lang tayo at narito na sa beach ni Inah di ba?’’

“Opo. Sasabihin ko po kay Inah.’’

“Wala  namang problema kung may property dito—ako ang titira rito at kayo ni Ram sa Maynila. Dadalawin n’yo na lang ako.’’

“Sino po kasama mo?”

“Meron namang maid at driver di ba?’’

Napatango si Yana. Desidido ang future mother-in-law niya na dito tumira. (Itutuloy)

Show comments