Maid of Honor (160)

Ayaw na sanang balikan pa ni Inah ang mga nangyari sa kanya nang masadlak sa prostitution pero nagsumiksik sa kanyang alaala. Sa kagustuhan niyang makapagtrabaho sa Maynila, sinuway niya ang kanyang Itay at Inay. Nang may makilalang babaing recruiter, agad siyang nagtiwala. Nasilaw agad siya sa perang ipinangako ng recruiter. Sumama siya sa recruiter at hindi na pinakinggan ang payo ng kanyang Itay at Inay.

Nang makarating sa Maynila, saka niya nalaman ang lahat. Binenta siya ng babaing nag-recruit sa kanya sa isang sindikato na nag-aalaga ng mga menor-de-edad at inihahain sa mga dayuhan. Malaki ang binayad ng sindikato sa babaing nag-recruit sa kanya lalo nang malamang virgin siya.

Ibinenta siya sa isang Chinese sa malaking halaga. Binaboy siya ng Chinese!

(Itutuloy)

Show comments