‘Asin’

(IKA-7 BAHAGI)

“PERO ibang klase ng asin ang babaunin mo para hindi ka na kaya-kayanin ng kaklase mo,” sabi ni Lola Felisa.

“Ano pong klase?’’

“Basta.’’

Kinabukasan ng umaga, binigyan ako ng instruction ni Lola kung ano ang mga gagawin sa asin na babaunin ko,

“Etong asin na ito ay ibubod mo sa pagpasok sa room. Huwag mong kalilimutan. Pagkatapos, maglagay ka rin sa upuan ng kaklase mo. Kahit ilang butil lang.’’

“Paano po kung makita ako ng kaklase ko.’’

“Agahan mo ng pasok.’’

Tumango ako.

Inilagay ni Lola ang asin sa supot.

“Ingatan mong matapon.’’

“Opo.’’

Inagahan ko ng pasok.

Nang dumating ako sa school ay wala pa halos estudyante. Nagtungo ako sa aming room.

Wala pang tao.

Agad akong kumuha ng asin at ibinudbod ko sa entrance ng room.

Pagkatapos ay nagbudbod ako sa upuan ng kaklase kong si Larry. Ilang butil ang inilagay ko.

(Itutuloy)

Show comments