Pinakamalaking baka, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG anim na taong gulang na baka sa Oregon, USA ang nakapagtala ng world record sa pagiging pinakamalaking lalaking baka sa buong mundo.

Kinumpirma ng records keeping organization Guinness World Records na ang bakang si Romeo ang may hawak ng titulong “World’s Tallest Living Steer” dahil sa height nito na 6 feet and 4.5 inches.

Ang mga steer ay isang uri ng lalaking baka na kalimitang pinapalaki para sa karne nito. Si Romeo ay nakatira sa Welcome Home Animal Sanctuary at inaalagan siya dito bilang isang pet. Ayon sa tagapag-alaga ni Romeo na si Misty Moore, na-rescue nila ito sa isang dairy farm 10 araw makaraan itong ipanganak.

Ikinuwento ni Moore na nag-decide siyang isali sa Guinness si Romeo sa naturang titulo nang mabasa niya na ang previous record holder nito ay may height lamang na 6 feet and 1 inches.

Show comments