Marcos-Duterte UniTeam malasado na

MAAGANG nagulo ang Marcos-Duterte UniTeam dahil sa marupok na samahan na nahaluan ng katusuhan at intriga. Bad chemistry ba o kasalanan ng matatanda?

Nagsimula sa pagkakasibak kay Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary at MMDA Chairman Carlos Dimayuga III na kapwa malapit kay dating Rep. Mike Defensor na close naman kay dating Pres. Gloria Macapagal Arroyo na sangkot sa agaw House Speakership kay Speaker Martin Romualdez. GMA’s magic no more!

Makaraan ang ilang buwan, pumutok naman ang kuwestiyonableng confidential at intelligence fund ni VP Sara Duterte na hinalukay ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro.

Nanggigil si dating President Digong at nakapagbanta ng ‘di maganda kaya nauwi sa demandahan. Dating magkaalyado sa kilusan. No more!

Dumating na raw ang mga taga-International Criminal Court (ICC) para imbestigahan ang madugong war on drugs ni dating Davao Mayor at President Digong Duterte na promotor ng Davao Death Squad. Tetestigo sina ret. PNP SPO3 Arturo Lascañas at Edgar Matobato para patotohanan ang mga nangyaring krimen dahil kasama sila sa mga pagpatay. Blind loyalty, no more!

Nag-alsa naman ang mga retiradong PMA generals sa pagsuporta sa Radio and TV network na SMNI na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy. Si Quibuloy ay mahigpit na supporter ng Duterte family dahil namemiligro itong tanggalan ng prangkisa ng Kongreso.

May kamandag pa ba ang Duterte loyal generals? Baka naman no more na rin!

Show comments