6 life lessons

... mula sa istoryang Noah’s Ark, sa panahon ng kalamidad :

1. Laging maging handa. Laging magtago ng survival kit at iba pang pangunahing pangangailangan sa panahon ng tag-ulan. Remember, malayo pa ang tag-ulan nang simulang gawin ni Noah ang arko.

2. Panatilihing maganda ang kalusugan para may sapat kang lakas upang iligtas ang sarili at mga mahal sa buhay. Mga 600 years old si Noah nang bigyan siya ng “big assignment” ng Diyos.

3.  Maging masunurin sa mga opisyal ng barangay, sumunod kaagad sa kanila kapag pinalilikas na kayo. Kung kailan hanggang leeg na ang tubig ay saka sisigaw-sigaw ng HELP! Si Noah ay basta lang sumunod sa Diyos sa ipinagagawa sa kanya nang walang pagtutol.

4.  Hindi lang tao ang dapat iligtas kundi pati na ang mga alagang hayop na parang miyembro na rin sila ng pamilya.

5. Huwag kang hihiwalay sa inyong kapwa evacuees. Kung saan ang itinakdang evacuation center, doon kayo tumigil. Tiyak na doon ibabagsak ang lahat ng grasya mula sa charitable institution. Sa Noah’s Ark, sama-samang tumigil ang mga tao at hayop sa arko dahil iyon ang instruction ng Diyos. Habang umuulan, panatag na panatag ang lahat sa arko dahil alam nilang nasa ilalim sila sa patnubay ng Diyos.

6.  Ang matinding pananampalataya ang nakatulong para matapos ni Noah ang arko. Tutal wala ka nang magagawa sa panahon ng kalamidad, sa halip na magreklamo, manahimik ka na lang at magdasal. Anu’t anuman, titigil din ang ulan at huhupa rin ang baha. Kapag kasama mo palagi ang Diyos, ang mga kalungkutan ay pinapalitan niya ng kaligayahan. Maniwala ka lang.

Show comments