Aso sa New York, kayang isubo ang 6 na tennis balls nang sabay-sabay

ISANG golden retriever sa New York ang kayang makapagsubo ng anim na tennis balls nang sabay-sabay.

Dalawang taon pa lang daw ay pansin na ng  mga amo ni Finley ang potensyal nito na makapagtala ng bagong world record para sa pinakamaraming tennis balls na kayang isubo ng isang aso kaya noon pa lang ay sinanay na nila ito.

Sa kabila nito, hindi pa rin kinikilala ang bagong world record na naitala ng asong si Finley dahil sa mahabang proseso sa pagkilala sa opisyal na world record.

Kasalukuyang hawak pa rin ng kapwa golden retriever na si Augie ang world record, na nagawang makapagsubo ng limang tennis balls nang sabay-sabay noong 2003.

Show comments