5 naka-gawiang ugali

Na nakakataba pala!

Nagpupuyat o tulog nang tulog

Kung kulang o sobra sa tulog, chances are…tataba ka sa ayaw mo man o sa gusto dahil lagi kang nagugutom kahit kain ka pa nang kain.  Ang tawag sa aming probinsiya: Laging dinadayukdok sa gutom. ‘Yun bang kahit katatapos lang kumain, maya-maya ay feeling gutom pa rin. Naglalabas ng cortisol ang ating katawan habang natutulog. Nagugulo ang production ng cortisol kapag kulang o sobra sa tulog. Ang cortisol ang nagbibigay sa atin ng appetite sa pagkain. Walong oras ang tamang haba ng pagtulog.

Hindi nag-aalmusal

Ayon sa isang pagsasaliksik, ang isang taong hindi kumakain ng almusal ay mas lalong nadadagdagan ng average na 6.8 percent ang kinokonsumong pagkain sa maghapon.  

Naglalagay ng serving plate sa dining table

Magiging madali ang pages-second serving kung nasa harapan mo lang ang isang bandehadong kanin o isang malaking bowl ng ulam. Kung kukuha ka ng pagkain mula sa kaldero na nasa kitchen pa, magdadalawa kang isip kung busog ka na o magse-second serving pa.

Hindi palainom ng tubig

May kinalaman ang pag-inom ng tubig sa pagbabawas ng timbang. Ayon sa pag-aaral na ginawa, ang dieters na umiinom ng 8 ounces na tubig before their 3 daily meals ay mas marami ang nababawas na timbang, 5 pounds more, kaysa dieters na hindi umiinom ng tubig.

Matataba ang friends mo

Sabagay, hindi na ito kabilang sa “habits’’ pero idadagdag ko na rin. Natuklasan noong 2007 ng New England Journal of Medicine mula sa 32 taon nilang pagsasaliksik, ang katabaan ay puwedeng makahawa kagaya ng virus. Kung ikaw ay may kaibigang obese, may 57 percent kang tsansa na maging mataba rin. Iyon ay dahil sa maeengganyo kang kainin ang lahat ng kinakain niya.

Show comments