Pag-ibig sa bayan

Pag-ibig sa bayan ang tanging dahilan

kaya mga kawal nakikipaglaban;

hindi iniintindi maging kamatayan

nasasawi sila nang may karangalan.

 

Pag-ibig sa bayan na walang kapantay

kung kaya maraming nalagas ang buhay

44 silang nagbigay ng dangal

sa ating watawat kulay puti, pula, bughaw!

 

Pag-ibig ang tanging misyon ng binata

sa kanyang hangaring maangkin ang mutya

maraming balakid hindi niya ininda

hanggang sa makamit ang mahal na sinta.

Show comments