Sir Juan (43)

HINDI Mahinhin Sir,” sabi ng waiter na kausap ni Gringo. “Pero sabi ng mga kasamahan ko rito, nagpapalit ng pangalan ang mga dancer. Siguro ay para hindi sila makilala.’’

“Pero sigurado ka na hindi si Mahinhin ‘yan?’’

“Hindi Sir.’’

“Wala kang kilalang Mahinhin sa mga dancer?’’

“Wala Sir. Kasi’y isang linggo pa lang ako rito. Ikaw nga ang kauna-unahan kong nakakuwentuhan dito.’’

“Ganun ba? Sige, siguro nga’y nagpapalit ng pangalan ang mga dancer para hindi makilala ano.’’

“Opo Sir.’’

“Pero marami pang palabas pagkatapos ng dancer na ‘yan?’’

“Marami pa Sir. Yung sunod diyan ay yung star na ng mga kolehiyala. Baka yun ang hinahanap mong Mahinhin.’’

“Baka nga. Pero duda ako sa nasa stage. Baka ito ang hinahanap ko.’’

“Sige Sir, kilalanin mong mabuti. Senyasan mo lang ako kung may kailangan ka.’’

“Sige.’’

Pinagmasdan ni Gringo ang nagsasayaw. Parang si Mahinhin na nga ito. Para makasiguro, binuksan niya ang cell phone at tiningnan ang picture ni Mahinhin na binigay ni Nectar. Pinagmasdang mabuti at saka tiningnan ang nagsasayaw. Parang iisa.

Para makasiguro, palihim niyang kinunan. Kung hindi man ito ay bahala na siyang magpaliwanag kay Nectar.

Nang maghubad ang babae, muling kinunan ni  Gringo. At isa pa habang nakabukaka sa dance floor. Sapol na sapol niya!

Nang matapos ang pagsasayaw ng babae, namatay ang ilaw.

Naghintay pa ng ilang minuto bago nabuhay ang ilaw.

Hanggang ini-announced ang susunod na magpe-perform. Ang Star ng mga Kolehiyala.

Tutok na tutok si Gringo. Baka ito na nga ang hinihintay niya.

(Itutuloy)

Show comments