Nasaan ang batas?

Marami sa ating mga mamamayan

Ay sadlak sa dusa at karalitaan;

Hanggang ngayo’y dukha ang tahanan

At ang mga anak hindi nag-aaral!

 

Ang mga mgaulang ay walang trabaho

Umaasa na lang sa tulong ng tao;

Mga tumutulong wala sa gobyerno

Ito’y Lingkod-Bayan at saka kapuso!

 

Tumutulong lamang ang ating gobyerno

Kung may kalamidad na tulad ng bagyo;

Ang mga opisyal ay hindi kumikibo

Hindi iniisip ang unlad ng tao?

 

Mga pulitiko’y walang ginawa

Paggawa ng batas hindi alintana;

Na ang mahihirap laging umaasa

Gumawa ng batas na uunlad sila!

Show comments