Mga katotohanan tungkol sa pagsusugal

MULA sa pag-aaral na ginawa ng mga eksperto sa California at Washington, narito ang natuklasan nila tungkol sa mga taong mahilig magsugal:

Blackjack at lotto ang mas gustong laruin ng mga lalaki samantalang ang mga babae ay mahilig sa bingo at raffle.

Ang mga sugarol ay nawawalan ng ganang magsugal kapag matanda na. Kaya iyong may mga kamag-anak na sugarol, don’t worry, magsasawa rin pala sila.

Mas mahilig magsugal ang mga wala pang asawa, diborsiyado/hiwalay sa asawa kaysa mga “happily married”.

Mas madalas magsugal ang mga residente ng malalaking lungsod kaysa mga residente ng maliit na bayan.

Mas madalas magsugal ang Katoliko kaysa ibang relihiyon dahil hindi ipinagbabawal ng simbahang Katoliko ang pagsusugal sa mga nasasakupan nito.

Base sa term paper na ginawa ni Emily Oster, isang estud-yante sa Harvard University, tungkol sa pagsusugal: 1) Naaadik ang mga tao sa pagsusugal partikular sa lotto dahil sa kasiya-hang naidudulot nito sa kanilang kalooban. 2) Mas malaki ang jackpot, mas marami ang tumataya, mas lumiliit ang tsansa ng isang mananaya na manalo.

Ayon sa mga sociologist: Nagsusugal ang mga tao para masabing “in” siya sa mga kaibigang mahilig magsugal. Para nga naman hindi ma-out of place tuwing nagkukuwentuhan tungkol sa sugal.

Ayon sa mga psychologist: Nagsusugal ang mga tao kapag naramdaman nilang masuwerte sila sa isang particular na araw at nasa magandang “mood”.

Ayon sa mga economist: Nagsusugal ang tao dahil gusto nilang magkapera pero hindi nila alam ay mas malaki pa ang tsansa nilang tamaan ng kidlat kaysa tumama sa lotto.

             

Show comments