PASUKAN na kaya kailangang maibalik ng mga mag-aaral ang hilig sa pagbabasa. Bukod sa posibilidad ng pagtaas ng marka dahil sa pagbabasa, lalawak din ang kaalaman. Narito ang iba pang benepisyo ng pagbabasa:
• Ang pagbabasa ay nagbibigay ng katatagan sa memorya. Na eehersisyo rin ang isip sa pagbabasa. Kaiba sa nagaganap kapag nanonood lamang ng TV o nakikinig sa radyo. Nahahamon ang utak at maganda ito sa kalusugan.
• Ang pagbabasa ay nakakapagpabata ng utak. Ayon sa mga pag-aaral, literal na bumabata ang edad ng utak kapag nagbabasa. Nasa 32% ang ibinabagal ng pag-decline ng pag-iisip kapag nagbabasa o sumasagot sa mga puzzle. Ang mga matatandang mahilig sa crossword puzzles ay napakatalas pa rin ng kanilang isip.
Nalulusaw ang stress dahil sa pagbabasa. Ang cortisol (stress hormone) ay bumababa kapag nagbabasa. Bumabagsak ang stress levels nang mahigit 50%! Kaya kapag mainit ang ulo, ibaling ang atensiyon sa pagbabasa.
Lumalawak ang bokabularyo. Mainam din na may mga bagong salitang nadadagdag sa isipan. Lima hanggang 15 porsyento ng mga salitang natututunan ay hango sa pagbabasa. Kaya naman pinakamainam ito lalo na sa mga bata upang lumawak ang listahan nila ng salita.
Nagiging empathic! Empath meaning nararamdaman ang nadarama ng mga tao sa paligid. Lumalalim ang pag-intindi sa mga emosyon. Magagamit ito sa pang-araw-araw na buhay dahil mas madaling maka-relate sa pakiramdam ng ibang tao. Mainam ito para sa human relationships.
Nakakahikayat na magtagumpay sa mga pangarap. Naririyan ang mga biography books o talambuhay, pati mga self-help books na ang isa sa mga layunin ay ang growth at improvement bilang tao. Kung laging nagbabasa ng mga ganitong aklat at finefeed ang utak ng mga mensaheng positibo, mas maeenganyong pagtrabahuhan ang mga pangarap.
Makakatipid. Mas mura at mas maraming benepisyo ang pagbabasa ng aklat kaysa sa panonood ng sine.