Life Tips

Kapag nag-umpisa ka nang magduda sa isang tao, iyon ang sign na hindi mo na siya dapat pagkatiwalaan.

Kung trying hard na kinukumbinsi ka ng isang tao na ang iniaalok niya sa iyong ‘business’ ay hindi pyramid scheme, iyon ang sign na totoong pyramid scheme iyon.

Kung may pakikiusapan kang stranger na kumuha sa inyo ng picture, piliin ninyo ay iyong may kasamang toddlers. Malaki ang tsansa na mapagkakatiwalaan sila at hindi nila itatakbo ang inyong camera.

Huwag kang magsisinungaling sa iyong doktor tungkol sa iyong medical background, kahit pa ito nakakahiya. It could save your life!

Huwag magpatumpik-tumpik na aksiyunan mo ang isang magandang ideya. Malaki ang tsansa na may taong makaisip din noon. Daig ng maagap ang masipag. At ang maagap, sila ang nagtatagumpay.

Ipagmalaki mo ang iyong trabaho, maging ikaw man ay janitor o presidente ng bansa. Ang pagiging marangal mong manggagawa ay makikita sa quality ng iyong trabaho.

Sikapin mong makipagkaibigan sa tatlong taong sumusunod: law student, pulis at bartender. Sila ang magbibigay sa iyo ng ideya tungkol sa batas (mas honest kung estudyante pa lang), pagpapatupad ng batas at katotohanan tungkol sa inoorder mong alak.

Magpokus kung ano ang susunod na gagawin para magtagumpay at hindi kung saan ka nagkamali kaya pumalpak ang trabaho.

(Itutuloy)

Show comments