MAYROONG mga lala-king sagad kung magmahal sa kanilang nobya. Lahat ay gagawin nila para matuwa at ma-satisfied ang minamahal. Pati pagbebenta ng kanyang organ ay gagawin para lamang mabili ang paboritong gamit ng girlfriend.
Ganito ang nangyari sa isang lalaki na nagpatawag sa pangalang Park. Ibinenta niya ang kanyang isang kidney para lamang mabili ang Hermes Kelly bag na gustung-gusto ng kanyang girlfriend.
Sabi ni Park, malapit na silang mag-first anniversary ng kanyang girlfriend at gusto niya ay isang mamahalin at sikat na bagay ang kanyang ibibigay na regalo para rito. Alam ni Park na “patay na patay†sa mamahaling bag ang kanyang girlfriend. Kapag sila’y magkasamang namamasyal, laging bukambibig nito ang Hermes bag. Kapag may nakitang babae na ang gamit ay Hermes, sinusundan nito ng tingin.
Kaya binalak ni Park na Hermes bag ang iregalo. Pero nalula si Park nang malaman ang presyo ng Hermes. Ubod ng mahal pala! Kahit mag-part time job siya ay hindi sasapat ang kita para mabili ang Hermes bag.
Hanggang sa makita niya sa lobby ng isang ospital ang nakapaskel na “LOOKING FOR HUMAN ORGANS’’.
Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Ibinenta niya ang isang kidney.
Nabili niya ang Hermes. Tuwang-tuwa ang kanyang girlfriend nang ibigay ang regalo.
Subalit makalipas ang ilang buwan, nakipag-break sa kanya ang girlfriend.
Mangiyak-ngiyak si Park. Nagsisisi siya kung bakit ibinenta ang isang kidney para lamang maibili nang mamahaling bag ang girlfriend.