‘Pinaka-maruruming’ Presidential Elections sa US

GINAMITAN ng salitang marumi, hindi dahil nagkaroon ng dayaan, kundi ang magkakalaban ay pawang pagbabatuhan ng putik sa isa’t isa ang ginawa upang makuha ang simpatiya at boto ng mga tao. Narito ang limang presidential elections na hindi makakalimutan sa kasaysayan ng American politics.

Thomas Jefferson vs. John Adams, 1800

Nag-hire pa ng writer si Jefferson para magsulat ng mga malilisyosong artikulo tungkol sa kanyang kalaban na si Adams. Isa sa paninirang ginawa kay Adams ay pagbintangan itong bakla. May speech namang ginawa si Adams para sa mga botante na nagsasabi ng ganito: “Kung si Jefferson ang ihahalal ninyo, ihanda ninyo ang inyong sarili sa apoy ng impiyerno...ihanda ninyo ang mga kababaihan sa gagawing pang-aabuso ng taong ito o kaya ay ihanda ninyo ang inyong anak sa matinding paghihirap.  O, Bathala ng Awa at Hustisya, iligtas mo ang Amerika sa kamay ni Jefferson!” Sa bandang huli, si Jefferson ang nanalong presidente.

Andrew Jackson vs. John Quincy Adams (anak ni John Adams), 1828

Ang paninirang ginawa ng kampo ni Adams kay Jackson ay diktador daw ito at walang pinag-aralan. Bilang pruweba na wala itong alam, ang spelling daw nito sa Europe ay “Urope”. Isa pang isyu na ibinabato ng kampo ni Adams kay Jackson ay ang tungkol sa asawa nitong si Rachel Jackson na dating may asawa. Nagsama na raw ang dalawa nang hindi pa naaaprubahan ang divorce ng babae. Noong araw, malaking iskandalo iyon sa mga Amerikano. Nakapatay si Jackson ng isang lalaki na uminsulto kay Rachel dahil nga sa isyung nabanggit. Isa ito sa ipinupukol sa kanya nang tumakbo siyang presidente.

Bilang ganti ng kampo ni Jackson, inakusahan nila si Adams na ibinenta nito ang babaeng slave ni Misis Adams sa isang emperor ng Russia para gawing kabit. Si Jackson ang nanalo na nakakuha ng 642,553 votes laban kay Adams na 500,897 votes. (Itutuloy)

Show comments