PATAY na si “Lolongâ€, ang pinaka-malaking buwaya sa buong mundo. Isang taon at kalaÂhating nakaÂkulong si “Lolong†sa loob ng ecopark and research center sa Bunawan, Agusan del Sur. Hindi pa malaman ang dahilan ng pagkamatay ni “Lolongâ€. Ayon sa naÂngangalaga kay “Lolong†napansin niya ang pagiging matamlay ni “Lolong†at walang ganang kumain. Makalipas umano ang ilang oras, dineklarang patay na si “Lolongâ€.
Marami ang umiyak nang malamang patay na si “Lolongâ€. Apektado ang mga taong may tindahan pati vendor sa labas ng ecopark sapagkat ngayong wala na si “Lolong†wala na rin silang pagkakakitaan. Mula nang mahuli si “Lolong†noong Setyembre 3, 2011 at ikulong sa ecopark, dumagsa na ang mga tao para makita ang buwaya. Marami ring turista ang dumadagsa para makita ang buwaya. Ngayong wala na si “Lolong†marami ang nagsabi na nawala na rin ang kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Apektado raw ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Maagap naman sa paninisi ang animal rights group sa pagkamatay ni “Lolongâ€. Masyado raw maliit ang tirahan ni “Lolong†at nanibago ito sa ginagalawang lugar. Hindi raw dapat hinuli si “Lolong†at hinayaan na lamang sa natural na tirahan nito. Ayon naman sa mga awtoridad, kung hinahayaan si “Lolong†sa tirahan nito, maaaring marami pa ang mapatay. Isang bata at isang kalabaw ang nabiktima ni “Lolong†bago ito nahuli.
Tama na ang pagsisihan sa nangyari kay “Lolongâ€. Mas makabubuti kung ipi-preserved ang katawan ni “Lolong†at ito ang gawing pang-akit sa mga nais bumisita sa ecopark sa Bunawan. May mga pupunta o bibisita tiyak sa dating tirahan ni Lolong. Kikita uli ang mga vendors at mga may tindahan. Hindi naman siguro tututol ang animal rights group kung ipiÂpreserba si “Lolongâ€.