2 Pinay workers missing sa HK - MWO

MANILA, Philippines — Iniulat ni Migrant Workers Office (MWO) officer-in-charge Antonio Villafuerte na dalawang Pinay overseas Filipino workers (OFWs) ang iniulat na nawawala sa Hong Kong.

Ang mga nawawalang Pinay ­workers ay kinilalang sina Imee Mahilum Pabuaya, 23, at Aleli Perez Tibay, 33, na huli umanong nakita noong ­Oktubre 4 sa Tsuen Wan District.

Ayon kay Villafuerte, lumabas na sa social media ang mga balita tungkol sa pagkawala ng dalawang Pinay at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang konsulada ng Pilipinas sa naturang bansa sa mga pulis at immigration department sa Hong Kong upang mata­gpuan ang dalawang Pinay.

Show comments