MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawing moderno at “world class” ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
“To all the members of the AFP, be assured that this Administration remains committed to transforming our AFP into a world-class force that is a source of national pride and national security.”
“We will modernize your equipment, enhance your training programs, ensure that you are equipped to face challenges not just today but also of the future,” dagdag pa nito.
Ito ang sinabi ni Marcos sa graduation ceremony ng Major Services Officer Candidate Course (MS OCC) na ang kanyang administrasyon ay nanatiling tapat sa pagtutok sa pagbabago ng AFP para maging world class na pwersa na maaaring ipagmalaki at national security.
Ang MS OCC ay isang programang tumatagal ng isang taon para sa mga nagtapos ng bachelor’s degree para maging mga opisyal sa Philippine Army (PA) at Philippine Air Force bilang mga Second Lieutenant , kabilang din dito ang Philippine Navy (PN) bilang Ensign sa regular na pwersa ng AFP.