Sanggol, ina, 1 pa dedbol sa ambush

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang namatay noon din kabilang ang isang mag-ina at kanyang 3 buwang sanggol na babae sa naganap na pananambang sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Mileb, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Radja Buayan Mayor Bai Maruja Ampatuan Mastura ang mga nasawi na sina Harrah Jinn Utto Lumenda, ang kaniyang 3 buwang sanggol na babae at isang Nunokan Manalindo, pawang mga residente ng Radjah Buayan.

Sa ulat, patungo ang mga biktima, sakay ng kanilang minivan na minamaneho ni Manalindo nang sila ay pagbabarilin sa highway

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Radjah Buayan Municipal Police Station kung sino ang mga nag-ambush kina Basalo, na ang mga magulang ay mula sa malalaking angkan sa Maguindanao del Sur.

Show comments