MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang sa Pasig River, sa bahagi ng Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Inilarawan ang biktima na nasa 35-40, nakasuot lamang ng itim na boxer shorts.
Sa ulat ng pulisya, alas-10:45 ng umaga nang matagpuan ang nakalutang na bangkay sa Pasig River, sa gilid ng Muelle Dela Industria,Barangay 275, Binondo na agad na iniahon ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard.