Mababang presyo ng bigas sa Enero pa mararamdaman – DA

Some workers are seen unloading sacks of rice from a truck along Dagupan Street, in Tondo, Manila.
STAR/ KJ Rosale

MANILA, Philippines — Mararamdaman ng publiko ang pinakahihintay na mababang presyo ng bigas bilang resulta ng pagbabago ng taripa sa bigas sa Enero 2025.

Ito ang inihayag sa press briefing sa Malacañang ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa harap ng patuloy na pagbabantay ng publiko sa pagbaba ng presyo ng bigas.

Ayon kay Laurel, sa kalagitnaan ng Oktubre ay bahagyang nararamdaman na ang epekto, subalit ganap na mararamdaman ito sa unang buwan ng 2025.

Sa ngayon ayon sa kalihim ay paubos na ang supply sa nabiling mahal na imported na bigas gayundin ang nabiling lokal na palay na nabili rin sa mataas na presyo at sa sandaling maubos ang supply hanggang Nob­yembre, saka pa lamang mararamdaman ang unti-unting pagbaba sa presyo ng bigas.

Sa pagtaya ng kaihim, P7 hanggang P5 ang mababawas sa presyo kada kilo o mula P52 kada kilo at pagsapit ng ­Enero ay magiging P48 na.  

Show comments