China sinadya ang pagpigil sa RORE mission

This file photo taken on April 23, 2023 shows the grounded Philippine navy ship BRP Sierra Madre where marines are stationed to assert Manila's territorial claims at Second Thomas Shoal in the Spratly Islands in the disputed South China Sea. A crumbling World War II-vintage Philippine navy vessel stranded on a submerged reef in the South China Sea has long been a flashpoint between Manila and Beijing in their territorial dispute over the waters.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon sa pulong balitaan sa Malacañang ni Defense Secretary Gilbert Teo­doro na sinadya ng China na pigilan ang rotation and resupply (RORe) mission ng Armed Forces of the Philippines sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Nilinaw ni Teodoro na hindi itinuturing ng Pilipinas na misunderstanding o aksidente ang nangyari.

“We see the latest incident in Ayungin not as a misunderstanding or an accident. It is a delibe­rate act of the Chinese officialdom to prevent us from completing our mission,” ani Teodoro.

Sinabi rin ni Teodoro na hindi nila isinasantabi o binabalewala ang nangyari.

 “After our visit to our troops in Palawan yesterday where the President personally talked to the troops involved in the RoRe, we have now come to the conclusion that it was not a misunderstanding or an accident. We are not downplaying the incident. It was an aggressive and illegal use of force,” pahayag ni Teodoro.

Pero, sinabi rin ni Teodoro na patuloy na mag­hahanap ng mapayapang paraan ang gobyerno ng Pilipinas para maresolba ang isyu.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas dahil sa insidente.

Show comments