Huling drug case ni ex-Sen. De Lima, ibinasura

Detained former senator Leila De Lima attends the hearing on the remaining charges against her at the Regional Trial Court in Muntinlupa City on Friday, November 4, 2022.
The STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Inabswelto ng Muntinlupa Regional Trial Court si dating Senador Leila de Lima sa huling kasong may kinalaman sa iligal na droga na isinampa laban sa kanya ng Duterte administration.

Sa desisyon kahapon ni Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 Presiding Judge Gener Gito, pinagbigyan ang demurrer to evidence para ibasura ang ikatlo at huling kaso laban sa dating senadora.

 Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure, ang demurrer to evidence ay isang mosyon na i-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Binanggit ng isang nasasakdal na ang ebidens­yang ginawa ng prosekusyon ay hindi sapat upang makagawa ng isang kaso, totoo man o hindi. Kapag napagbigyan, ang kaso ay idi-dismiss, at ito ay katumbas ng pagpapawalang-sala.

Nabatid na ang nasabing korte rin sa huling kasong conspiracy to commit drug trading na nag-abswelto kay De Lima ang nagpahintulot din na makapaglagak siya ng piyansa noong Nobyembre 2023 at pinalaya siya pagkatapos ng halos pitong taon sa pagkakakulong.

Show comments