Truck bumaligtad sa Davao del Norte: 6 todas

MANILA, Philippines — Patay ang anim katao nang bumaligtad ang isang truck kamaka­lawa ng umaga sa national road sa Lower Mesolong, Brgy. Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte.

Sa inisyal na report ng Davao del Norte PPO, kabilang sa nasawi  ang tatlong menor de edad.

Lumilitaw na nasa 25 tao ang sakay sa Isuzu truck at patungo sa beach sa bayan ng Mabini, Davao de Oro.

Subalit, pagsapit sa pakurba at palusong na kalsada ay nawalan umano ng preno ang truck.

Nagpagewang-gewang hanggang sa tumagilid  at mahulog sa creek sa tabi ng kalsada, kung saan tumilapon ang ilang pasahero na karamihan ay nakasakay sa likuran. Sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, bukod sa anim na namatay,  nasa 20 pa ang  sugatan na sakay ng  Elf truck na dinala sa Kapalong District Hospital.

Iniimbestigahan pa  ng pulisya ang  aksidente at inaalam ang may responsiblidad bukod sa driver na nagtamo rin ng mga sugat.

Show comments