Mga pulis na protektor ng illegal POGOs binalaan

Manila Police District (MPD) on January 4, 2024.
STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nagbabala si Phi­lippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil na mapapatawan ng disciplinary action ang mga pulis na mapapatuna­yang protektor ng operasyon ng illegal POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators) sa bansa kasunod ng pagkakadiskubre ng mga POGO hubs sa Region 3.

Ayon kay Marbil, hindi dapat nasasangkot ang mga pulis sa anumang illegal activities.

“Integrity and accountability are the cornerstones of our public service. We remain committed to ensuring that our officers uphold these values,” ani Marbil.

Aniya, pinaigting nila ang kanilang monitoring at kampanya laban sa illegal POGOs na nag­resulta ng matagumpay na police operations sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Matatandaang pina­ngunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Cybercrime Group (ACG) ang operasyon upang buwagin ang naglipanang POGO operations sa bansa.

Dagdag pa ni Marbil, minomonitor na rin nila ang iba pang mga probin­siya na mga operasyon ng POGO.

Show comments