2 wanted na Chinese, tiklo sa BI

Ayon kay Immig­ration Commissioner Norman Tansingco, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga elemento ng BI Fugitive Search Unit (BI-FSU) noong Hunyo 19 sina Zhu Tingyun, 43, na naaresto sa Parañaque City; at Wang Yun, 30, ay sa Pasay City.
Bureau of Immigration

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese nationals na wanted sa mga otoridad dahil sa pagkakasangkot sa mga seryosong krimen sa kanilang bansa ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Immig­ration Commissioner Norman Tansingco, na naaresto sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga elemento ng BI Fugitive Search Unit (BI-FSU) noong Hunyo 19 sina Zhu Tingyun, 43, na naaresto sa Parañaque City; at Wang Yun, 30, ay sa Pasay City.

Dagdag pa ng BI Chief, ang mga fugitives ay kapwa overstaying dahil ilang taon na silang nagtatago sa Pilipinas upang makaiwas sa prosekusyon para sa kanilang mga krimen habang ang kanilang mga pasaporte ay kinansela na rin ng Chinese govern­ment.

Ayon sa Chinese Embassy sa Manila, si Zhu ay mayroong outstanding warrant of arrest na inisyu ng Public Security Bureau sa Cangwu County, Guangxi, China.

Siya ay inaakusahang nagpapatakbo ng isang sindikato na nag-o-ope­rate ng online gambling site na pawang Chinese ang mga kostumer.

Habang si Wang naman ay may warrant of arrest na inisyu ng Public Security Bureau Jinjiang City dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping. -

Show comments