Pag-resign ni VP Sara sa Gabinete, inaasahan na

Vice President sara duterte holds a press conference announcing her resignation as department of education secretary and vice chairperson of the National task Force to end local Communist armed Conflict at the deped central office in Pasig City yesterday.
OVP

MANILA, Philippines — Naniniwala si Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. na inaasahan na niya na mangyayari ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa pwesto bilang Department of Education Secretary at Vice-Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“I have foreseen that,” ani Abalos nang tanungin kaugnay sa pagbibitiw ni VP Sara sa gabinete, sa idinaos na ‘MACHRA Balita

an’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View Restaurant,kahapon.

Dahil aniya ito sa pagkakaiba ng kanyang ama at pamilya sa usapin ng pagpapatakbo ng gob­yerno.

“Nakakaawa naman siya siyempre.Between your father and your fami­ly and your loyalty to the party, ‘yun ang nangyari sa kanya so, she has no alternative but to resign,” ani Abalos.

“Magkakaroon siyem­pre ng realignments although as a matter of fact, even without this, sigurado yan meron tayong realignments... temporary lang naman ang union nung nakaraan. Kitang-kita naman natin na me kanya-kanya. Ganyan naman talaga ang politics, no permanent friends or enemies,” paliwanag ni Abalos.

Show comments