Ayuda sa mga maaapektuhan ng La Niña, siniguro ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — “Nakahanda ang gobyerno para sa mga tulong ngayong panahon ng tag-ulan.”

Ito ang siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang pagbisita sa Agusan del Sur at Surigao del Sur kung saan siya namahagi ng tulong sa mga pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na lubhang naapektuhan ng El Niño.

Ayon kay Marcos, matapos ang El Niño ay pinaghahandaan na rin ng gobyerno ang mga kakailanganing tulong ng mga Filipino na posibleng maapektuhan ng malalakas na pag-ulan, La Niña at mga bagyo.

Tiniyak din niya na may sapat na pondo at supply ng pagkain para maipamahagi sa mga mangangailangan nito.

Show comments